Wednesday, September 30, 2009

Nasaan Ang Mga Buwaya Tanong ni Ondoy





Maraming mga bugok na tao na nagpakalat ng mga text messages na may mga nakawala raw na mga “buwaya” mula sa Malakanyang, ay este mula sa mga zoos sa kasagsagan ng bagyo. Ang alam ko lang eh naglulutangan yung mga crocs na tsinelas nung bumuha…

Hay naku, di na nga tumutulong eh nanggugulo pa! Grrr….Kung buwaya lang ako eh nilapa ko na sila ng buhay. Yum...yum...

Pero, yun nga…di ba kung mataas ang tubig ay dapat nagsasaya at nakawala ang mga buwaya?

Bakit missing in action yata ang mga “buwaya” ng gobyerno? Natatakot silang malunod o maputikan ang mga signature clothes nila na Armani at shoes na Gucci from their shopping spree sa U.S.?


Aba, muka yatang natatakot sila na mabawasan ang kanilang mga “pork barrel” pang-donate sa mga nasalanta ng bagyo dahil nga naman sa malapit na ang eleksyon?

Merong nangdonate na politiko, P250,000, wow! Astig, generous etech! Ang problema kamo, eh sa networth nya na hundreds of millions at sa dami ng ari-arian (at sympre babae), aba eh, barya lang to mga tolits…malaki pa nga ang pinatatalo niya sa sugal at kubra sa jueteng. Anak ng jueting nga naman!

At sympre, di nagpatalo ang Pangulo at ang mga Cabinet Secretaries sa pagrampa sa center stage ng pabongahan. TTTKA (Time To Totally Kick Ass!) ika nga. Dinonate ang dalawang buwang sweldo! Akalain mo yun, when it rains, it pours! Parang Ondoy ang syle. Wow, generous ang mga to, pwede ng magkaroon nga mga rebulto sa Monumento! Ang siste nga lang eh, barya lang ang dinonate kung ikokompara sa networth ni Ate Glow na more than one hundred million kung tama ang hula ng bolang kristal ko at bulong ni Madam Rosa! At barya lang ang mga dinonate ng mga alalay niya, mas mahal pa ang mga tsikot nila at dinner sa Le Cirque at pagupit at foot spa at wig na nakapatong sa panot na bumbunan.

Sabihin ng iba na naman sa akin….Hey you, shut up jerk! Buti nga may mga tinulong eh! You should be tweeting this instead of your silly antics and rants.

Ano daw sili at langgam? You shut up duffy duck!

Pasensya na tolits clean living na ako, pero kung ako kasi may 100 million pesos sa bank account ko at maraming babae, hindi ako magdadalawang isip magdonate ng 5 million pesos o higit pa at ipagrepack ng mga de lata at noodles at bigas ang mga chicka babes ko buong magdamag, kesa chumurva lang sila sa high-end na mga resto at bars!

Kaya lang eh, singkong duling lang meron ako sa bulsa, kaya ilang latang sardinas na mabuti sa puso at noodles na NAPA ang ibinigay ko…at mga lumang maaayos pang mga damit ang donation ng iyong lingkod.

See? Who is the real croc now? Buti nga sana kung naging croc na lang ako at lalamunin ko ng buo ang mga politikong kapag kampanya eh napupuntahan maski lungga ng langgam at kasuluksulukan ng tambayan ng mga dagang palay…ngayong may kalamidad eh, hindi na makita kung saan.

Susmaryusep! Baka nag-didinner uli sa Le Cirque....


Imahe mula sa Daily Mail



Share Some Love, Share This Post and Spread the News


Show some LOVE, Like this Page on Facebook
Freshest Updates from Ani-Mo!right on your E-mail Inbox:

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


2 comments:

jan geronimo said...

Di kaya we're doing the crocs injustice by comparing them to our politicians? I think they're noble creatures.  True, they are the stuff of our nightmares, no thanks to Hollywood.  Di ba?  Wala lnng naisip ko lang.

I got an email from a friend may enclosed na pictures ng pagkamamahal na pagkain ni inorder ni Ate Glo.  Caviar.  Pagkamahal mahal na pagkain.  Dios mio, ni sa panaginip di ko natikman un.

Makapagkape nga muna. LOL

JoJiGirl said...

Crocs' behavior:  As cold-blooded predators, they are lethargic. (source: Wikipedia)

Kaya, un!  ",)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...