Thursday, September 24, 2009

Warning: Vote at Your Own Risk Fellow Noypi!




Malapit na naman ang eleksyon!

Eto ang mga mumunting babala at patnubay bago bomoto.

“Vote at your own risk!”

Kapag binoto mo ang mga Presidentiables na ito, ihanda mo na ang iyong sarili, dahil maaring umuwi ka mula sa presinto na bahag ang buntot:


1. Manny Villar – maaring lumuwa ang iyong buwa at bigla na lang magkakaroon ng C5 extension sa gitna ng subdivision ninyo

2. Gibo Teodoro – humandang magmukang “balot”

3. Bayani Fernando – tanggapin ang hamon na sa malamang araw-araw kang magsusuot ng pink cap, t-shirt, sneakers at underwear…maaring papipinturahan rin ang inyong bahay at bakod ng kulay pink…at may libreng pink na contact lens and braces

4. Noynoy Aquino – sa mga kalalakihan, maaring unti-unting mawalan ng buhok; sa mga kababaihan, humanda sa posibilidad na maibenta ang bahay nyo para pangsuporta sa kandidatura ni Noynoy

5. Jejomar Binay – sa malamang magreretiro kayo ng maaga at manonood na lang lagi ng libreng sine sa Makati, na may libreng bag, libreng lapis, libreng snacks, libreng notebook…pati kabaong libre na rin

6. Erap Estrada – malaki ang tsansa mong manalo ng jackpot sa jueteng; ngayon pa lang mag-isip na ng lucky numbers

7. Loren Legarda – maghilod na ng likod ng matanggal ang mga buni, an-an at di kanais-nais na marka ng mga libag hanggang sa maging flawless ito, dahil sa malamang lahat ng tao ay laging magba-backless ang porma, tulad ni Legarda

8. Chiz Escudero – dapat love mo na si Bamboo ngayon pa lang, at ihanda ang loob, dahil lahat tayo ay laging magmumukang antok tulad ni Chiz dahil sa araw-araw na ulam na keso

9. Jamby Madrigalsandali sino nga pala ito? Ah…humanda na matanggalan ng mana mula sa mga magulang at mga kamag-anak; pipilitin ka ring maging malaking taga-hanga ni Juday at araw-araw gagamit ng Fitrum

Kaya nyo ba ang hamon ng pagbabago? Sino ngayon ang iboboto niyo?

Kaya sa pagboto, isaalang-alang ang mga walang-kwentang bagay na ito.


Larawan mula PinoyWorld



Share Some Love, Share This Post and Spread the News


Show some LOVE, Like this Page on Facebook
Freshest Updates from Ani-Mo!right on your E-mail Inbox:

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...