Friday, October 2, 2009

Bakit Kaya Matigas ang Bungo nga mga Pilipino?




Kapag pumupunta ako ng Maynila, minsan nakakalimutan ko kung ako ba ay nasa Cotton-Candy World o play pen ng Prep School malapit sa bahay namin.

Saan man kasi ako lumingon ay napakarami nitong mga dambuhalang pink at powder blue na mga istruktura: bakod, karatula, pader, tulay, pedestrian, truck, waiting shed, paihian at enforcer. Kulang na lang may magkulay pink ang mga dahin ng mga panaka-nakang mga puno here and there.

Super patay-na-patay ba si Bayani Fernando sa pink? O baka siya ang totoong Pink Panther.

Anyways, isang nakakakuha talaga ng pansin ko ay ang larawan sa taas na may karatulang humihiyaw na:


WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY



Walanjo! Kuhang-kuha mula sa ating spycamera mga Igan ang tres marias na ito, este apat pala, mukang lalake kasi yung isang nakablue LOL!…na tumatawid maski may paskil na.

Di ko talaga maintindihan. May paskil na nga na naka-all bold letters, Arial 1500 ang font at font size, at ang nakakatindig-balahibo pa ay, pink ang karatula! Sa ibang lugar, meron pa yang bakod na pink at sa di kalayuan ay may overpass na pink para tawiran.

Di ko talaga maintindihan bakit marami pa ring tumatawid.

Kumuha ng 1/4 sheet ng yellow pad at sagutan itong tanong. For 6,217.95 points. Bakit kaya may mga tumatawid pa rin maski may mga paskil na na bawal na nagbabanta pa na nakamamatay, may bakod na at overpass pa?


A. Dahil pasaway lang talaga ang mga Pinoy, kapag sinabing bawal mas lalong ginagawa, di ba Madam GMA?


B. Dahil nakasulat sa Tagalog ang babala kaya di naiintindihan, dapat kasi you know, ay it should have been sulat in English para understood ng mga people out here not to tawid kasi it is so dangerous naman


C. Dahil mas exciting makipaglaro kay kamatayan, total kapag nasagasaan ka, yung driver pa rin naman ang makakasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple fractured hair strands


D. Di kasi type ng tao ang pinagbabantaan na mamatay kung tatawid kaya mas gusto nila na subukan kung totoo nga ang banta


E. Dahil kaya naman nila kwestyunin sa Supreme Court kung kakasuhan nila ng jaywalking eh una hindi naman Jay ang pangalan nila at pangalawa hindi naman raw sila naglalakad, tumatakbo at tumatalon-talon daw sila


Hayan! Finish or not finish, cheating or no cheating pass your papers.

Kayo? Sa palagay nyo? Bakit matigas ang bungo ng mga Noypi?


Imahe mula sa Bagoong BlogDrive



Share Some Love, Share This Post and Spread the News


Show some LOVE, Like this Page on Facebook
Freshest Updates from Ani-Mo!right on your E-mail Inbox:

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...