Magtatagalog ako ngayon sa post na ito. At simula sa araw na ito, ang blog na Ani-Mo! ay magpapalit ng anyo. Darna!
Gagawin ko ang blog na ito na blog tungkol sa mga walang-kwenta kong mga guni-guni habang nagkakamot ng singit at samu't-sari kong mga naiisip kapag ako ay lulong mula sa paghit-hit ng sunog na tsinelas o di kaya kapag medyo may pera, ay Baygon.
Nakakapagod din pala maging super duper gwapong seryosong blogger na feeling political analyst sa PinoySoundingBoard. Akala ko ay matatapatan ko na si Ka Winnie o Randy David o di kaya ay si Kuya Kim. Sabi nga ng tatay ko, "loosen up, Son." Nice Pop!
Kaya eto luluwagan ko ang sinturon ko para makahinga ng mas maayos.
Isa nga pala akong manunula kuno kapag hindi ako nagpi-feeling political analyst dala ang aking notebook...at ballpen. Kung hindi ninyo alam ay my poetry blog ako kung saan dahil sa hindi ako magaling sa grammar maski sobrang hot chick yung titser ko kamukha ni Aubrey Miles sa english, kaya nagsusulat na lang ako ng tula para di makita na di ko kayang pagdugton-dugtungin ng maayos ang mga subject-verb agreement at kung ano-anu pang agreements.
Punta kayo dito: ayan...eto...ayan...yun! ang poetry blog ko. Kitams?
Magyayabang ako ng konti. Ngayon, nag-guest post din ako sa blog ni Jan at ang aking tula na "Bells and Women" ang napublish dun. Aba nagulat silang lahat at napukaw yata ang mga natutulog nilang hormones sa katawan dahil sa sensual kong tula tungkol sa mga kumakalembang na kampana. Weeh! Init. Sabi ni Jan sakin madami raw isisilang pagkatapos ng siyam na buwan pagkatapos nyang ipublish ang tula.
Tingnan nyo dito: Ayan...Liko kayo sa kanan...Ayun.
Kitams? Nag-init ba kayo? Wahahah! Ganyan talaga kapag galing seminaryo...tigang saib nila ahahah! Puro kasi kami kain lagi ng sabing, tapos papaya, tapos laro lang ng laro ng basketball. At lagi lang nakaluhod. Naaalala ko nga na ang laging kanta ng mga kasamahan ko habang tumatangis sa kadiliman ng gabi ay, "all by myself..."
Sublimation. Parang submarine. Naku phallic symbol yun ah. Tigang kaya dinaan sa tula. Tama ba Father? Wahahah!
Inimbita ako ulit, this time ni Mam Jena na mag guest post ng isang tula sa Gewgaw blog nya. Wag nyo na ipabigkas sa akin at di ko alam pano.
Ang pamagat ay "Puffy Whites", in short, sabog sa Marijuana!
Eto, basahin nyo...maganda yan. Ayun! See!
Sympre hiya naman tayo sa kagalang-galang na si Mam Jena, kaya virginal na tula ang aking ibinahagi. Baka kasi sabihin ng mga milyon-milyon nyang tagapag-basa sa buong mundo na naging ladies confession ng FHM ang blog nya.
At sympre pinoprotektahan ko rin ang aking kagalang-galang na imahe bilang kilalang wannabee political komentarista sa Pilipinas...gaya nga ng sabi ko, kapag sensual na tula ang ibahagi ko ay baka sabihin ng mga tao na libog-akong-nagkatawang-tao.
Sabi nga raw nila, ang mga tula ay hindi lamang kumakatawan sa mga salita na bumubuo dito, kundi lalong-lalo na sa mga damdamin at paninibugho ng mga taong nagsulat nito.
Kaya try ninyo kapag minsan nakaramdam kayo ng init sa katawan, alam nyo na ang gagawin. Sumulat ng tula at buksan ang aircon.
By the way, may magandang tula si Doc Z patungkol sa kanyang mga banana, "Bumili na kayo ng aking banana...sigurado akon na di kayo magsasawa." Basahin nyo at kayo na ang humusga.
Ayan, tapos na ang wala kong kwentang post. Nakahinga rin. Hay...
Ang sarap din pala magsulat ng post na wala lang. Araw-arawin ko nga.
Share Some Love, Share This Post and Spread the News
Show some LOVE, Like this Page on Facebook
6 comments:
Wow, ang sarap basahin neto. Puede bang mag guest post dito. I try ko ha? Tutal sanay din naman akong magsulat ng walang kakwenta kwentang post. I have lots of practice na eh. Sana makatapos agad ako para ma check mo kung tugma sa panlasa mo.
English ba, bro? Sige magdidilidili ako para maka imbento ng walang kwentang post para dito. Ahahaha.
Salamat sa pag guest post sa blog ko. Napasalamatan ba kita? Parang hindi ano? Kasi pinakaba mo ako dun. Buti na lang matitino ang mga advisers ko na ipublish un. Ahehehe. Alam mo na - sa lahat ng pokpok ako yata ang pinaka konserbatibo. :)
Hahhaha! Sure bro, mag-guest post ka...tatandaan ko yan...take note, dalawa na obligasyon mo sakin eheheh!
Di pwedeng English. dapat tagalog...
NO problemo, sobrang sikat ng blog ko kaya mag-guest post dun ay isang karangalan, di ba Darren Row? Wahahha!
Teka muna... Ano na nga ang sabi mo? Ang saging ko? Ah, mga saging. ehehe.
Kita ko nga sa comment mo na tuwang tuwa ka. Panghimagas lang yun tol. May main course pa.
Z
Thanks a lot for my taklesa mouth. Hayan tuloy dalawa na ang utang kong posts. Weeeeh.
Oist, may nahuli sa bitag. Di nga lang malaking isda. Malaking saging pala. Ahehehe. Tuwang tuwa naman si Doc Z sikat na un saging nya.
Sa palagay mo anong uri un? Senyorita ba? O saba? Di ko alam eh. ahahaha
Ay, mga saging pala bro, eheheh!
Panghimagas pa lang un ha, ano pa kaya kung main course, wahahha!
May naisip tuloy akong gustong tumiking ng banana mo Doc, pero ko na lang sabihin kung sino wahahha!
Ayn, dalawa na bro ah ehehhe! Hanapin ko yang dalawa mong assignments sa akin ehehe!
Parang senyorita Bro eh, ehehhe!
Post a Comment